PNP chief, pinasalamatan ang mga pulis kaugnay sa pagbibigay ng ‘mas ligtas’ na Pilipinas

PNP chief, pinasalamatan ang mga pulis kaugnay sa pagbibigay ng ‘mas ligtas’ na Pilipinas

PINASALAMATAN ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang mga sakripisyo ng kanilang hanay tungo sa pagbibigay ng mas ligtas na Pilipinas.

Sa kaniyang New Year’s message, pinuri nito ang pagiging resilient ng mga pulis lalong-lalo na sa mga hamon na kanilang hinaharap.

Ngayong 2024 ay hinihikayat na rin ni Acorda ang lahat na makiisa para magpatuloy ang ligtas at maunlad na bansa.

Sa kabilang banda, mananatiling nakaalerto ang PNP ngayong linggo lalo na’t inaasahang bibiyahe at magsibalikan na muli ang milyun-milyong mga Pilipino sa kanilang trabaho lalo na sa Metro Manila matapos ang mahaba-habang holiday break.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble