LALAHOK si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) Conference sa India.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Red Maranan, nasa India na ngayon si Azurin para dumalo sa aktibidad na magsisimula bukas, Oktubre 18 hanggang 21.
Ang nasabing pulong ay taunang ginagawa ang mga lider ng law enforcement unit mula sa iba’t ibang bansa.
Kabilang sa tinatalakay nila ang transnational crimes at mga paraan upang malabanan ang krimen.
Samantala, itinalaga ni Azurin si PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia bilang officer-in-charge ng PNP.
Kasabay nito, pinangunahan ni Sermonia ang paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng PNP at Eye Bank of the Philippines, Incorporated sa Camp Crame kaninang umaga.