NAGPALIWANAG si PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa umano’y cover-up sa 6.7 bilyong pisong halaga ng shabu.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Azurin na tahasan niyang itinanggi sa Pangulo na sangkot siya sa anumang tangkang pagtakpan ang iligal na droga na nasamsam sa Maynila noong Oktubre 2022.
Wala aniyang nangyaring cover-up at wala ring plano na itago si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. na naaresto sa nasabing operasyon.
Inilarawan din ito si Mayo na “anay” na sumisira sa kanilang organisasyon dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.
Ayon pa kay Azurin, niminsan ay hindi siya naitalaga sa drug unit ng PNP para magkaroon ng koneksyon o kakilala dito.