MAGPAPADALA ang Philippine National Police (PNP) ng contingent sa United Nations (UN) Mission sa South Sudan.
Pinangunahan ni Senador Imee Marcos ang send-off ceremony para sa 20 pulis na ginanap sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, karamihan sa kanilang contingent ay mga babaeng pulis na bihasa sa paghawak ng mga kaso na may kinalaman sa kababaihan at kabataan.
Tatagal aniya ng isang taon ang misyon ng mga pulis sa South Sudan.
Naniniwala si Fajardo na magandang pagkakataon ito sa kanilang hanay na tumulong sa ibang bansa bilang bahagi ng commitment sa international community.