Ito ang iginiit ng PNP kasunod ng desisyon ng ICC sa pagbasura sa apela ng Pilipinas na itinigil ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing madugong drug war campaign sa ilalim ng pamumuno noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay PNP spox PCol. Jean Fajardo, sumusunod lamang sila sa desisyon ng higher government ng Pilipinas na huwag makipagtulungan sa ICC.
Ani Fajardo, naninindigan sila na walang hurisdiksiyon ang ICC sa bansa para gawin ang nais nitong imbestigasyon simula noong bumitaw ang Pilipinas sa membership ng ICC.
Dagdag pa ng opisyal, gumagana ang hustisya sa bansa.