PNP, mahigpit ang pagbabantay sa health safety standards dahil sa banta ng Delta variant

PNP, mahigpit ang pagbabantay sa health safety standards dahil sa banta ng Delta variant

MAHIGPIT ang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) sa mga mass gathering sa iba’t ibang lugar upang maiwasan ang banta ng Delta variant.

Ito ay bilang bahagi ng pagtalima sa direktiba ng DILG kasunod ng naitalang kaso ng Delta variant sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar, inatasan ang lahat ng Regional at Provincial Police na tutukan ng mahigpit ang pagkukumpulan sa kanilang nasasakupan.

Samantala, marami nang naipasara na mga establisimyento sa bahagi ng Quezon City dahil sa paglabag ng health and safety protocols.

OCTA, umapela sa pamahalaan na higpitan ang pagpasok at paglabas sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan laban sa Delta variant

Umapela ang OCTA Research Group sa pamahalaan na higpitan ang pagpasok at paglabas sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan para maprotektahan ang rehiyon mula sa mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Kasunod ito sa ulat ng Department of Health (DOH) na may bagong 16 na kaso ng Delta variant ang naitala sa bansa .

Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, hindi dapat baguhin ang quarantine status ng Metro Manila na kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ).

Kailangan din aniya na lalo pang higpitan ang quarantine restriction sa mga lugar na may kaso ng Delta variant at paigtingin ang pagsunod sa minimum public health standards at bawasan ang mga social gathering.

SMNI NEWS