BUKOD sa JMC school grounds at KOJC cathedral, nagbarikada na rin ang pulisya sa labas ng KOJC compound.
Matatandaang kahapon, Agosto 26, ay sapilitan nilang pinatigil ang prayer rally ng simbahan sa kabila ng permiso mula sa Davao LGU, dahil umano nakaabala ito sa daan.
Mahigit 70 oras nang inuokupa at ginalugad ng PNP ang naturang compound, ngunit hanggang ngayon ay wala pang resulta.
Una nang nag-isyu ng sertipikasyon ang NBI na wala si Pastor Quiboloy at iba pang akusado sa naturang lugar, ngunit pinilit pa rin itong pasukin ni Torre at sinabihan ang simbahan na magreklamo na lang sa korte.