PNP, nakapagbigay ng higit 3k national police clearance sa POGO workers

PNP, nakapagbigay ng higit 3k national police clearance sa POGO workers

UMABOT na sa 3,198 national police clearance ang naibigay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers.

Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. kasunod ng isinagawang crackdown laban sa mga undocumented, overstaying at may expired visa o working permit na POGO workers.

Ayon kay Azurin, layunin nito na mapalakas ang recording at monitoring ng mga pumapasok na dayuhang manggagawa kabilang ang POGO workers.

Sa ngayon, may mga undocumented POGO worker ang nasa holding area ng Bureau of Immigration at hinihintay ang kanilang deportation.

Habang may mga POGO worker at maintainer na umano’y lumabag sa batas ang kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad.

 

Follow SMNI News on Twitter