PINAKIKILOS ng Philippine National Police (PNP) ang Police Regional Office (PRO) 4B sa pagsasagawa ng malawakang paglilinis sa oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr., tutulong ang PRO 4B na nakasasakop sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan sa binuong PNP Sub-Task Group Oil Spill.
Kabilang sa mandato ng mga pulis ang pagmo-monitor, pagbigay ng strategic guidance at pagresponde sa pangangailangan ng task group.
Maliban dito, inalerto ni Azurin ang PNP Maritime Group upang ipagamit ang kanilang available floating assets para sa clean-up at containment operations sa oil spill.
Samantala, magsasagawa ang PNP Area Police Command – Southern Luzon at Visayas ng awareness campaign sa epekto ng oil spill sa mga apektadong residente.