PNP, puspusan ang paghahanda sa 2023 BSKE

PNP, puspusan ang paghahanda sa 2023 BSKE

PUSPUSAN ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa Barangay at SK Elections (BSKE) sa Oktubre 2023.

Ito ang tiniyak ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. lalo na ang PNP ang magsisilbing deputized agency ng Commission on Elections (COMELEC) sa panahon ng halalan.

Ayon kay Acorda, nagpulong na ang COMELEC Committee on the Ban on Firearm and Security Concerns (CBFSC) sa pangunguna ni COMELEC Commissioner Aimee Ferolino kasama ang mga kinatawan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nakaraang linggo.

Lahat aniya ng operational planning at preparatory activities ng PNP ay nasa gabay ng COMELEC Resolution No. 10902.

Habang ipatutupad din ng PNP ang mga paghihigpit sa buong 90-araw na halalan gaya ng nakasaad sa ilalim ng Omnibus Election Code and Resolutions.

Samantala, ilulunsad din ng joint COMELEC-PNP-AFP committee sa susunod na linggo ang kanilang information campaign para sa 2023 BSKE.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter