PNP, sapat ang kakayahan upang protektahan ang computer data laban sa hackers

PNP, sapat ang kakayahan upang protektahan ang computer data laban sa hackers

GINAGAWA ng Philippine National Police (PNP) ang lahat upang mapangalagaan ang kanilang computer data laban sa anumang pag-atake ng hackers.

Ito ang tiniyak ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo matapos makaranas ng pag-atake ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) mula sa Medusa Ransomware.

Ayon kay Fajardo, sapat ang kasanayan at karanasan ng PNP upang maprotektahan ang kanilang computer data.

Kasabay nito, nakahanda aniya ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na tumulong sa PhilHealth upang matukoy ang nasa likod ng nasabing pag-atake.

Pinaalalahanan naman ang publiko na maging responsable sa kanilang impormasyon upang hindi mabiktima ng hackers.

Follow SMNI NEWS on Twitter