Team Bahrain, malaking hamon para sa Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games

Team Bahrain, malaking hamon para sa Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games

MAGIGING malaking hamon sa Gilas Pilipinas ang Team Bahrain ayon kay Head Coach Tim Cone.

Paliwanag ng coach, magagaling talaga ang Bahrain sa basketball lalong-lalo na sa pag-shoot ng bola.

Maliliksi pa aniya ang mga ito para sa isang basketbolista.

Ang Bahrain ang unang makakalaban ng Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games at sa ngayon ay inaantay pa ng bansa kung mapapayagan ng organizing committee ang “last minute decision” na isama sa final roster sina CJ Perez, Chris Ross, Kevin Alas, Marcio Lassiter, at Arvin Tolentino.

Ito’y matapos wala sa listahan na hawak ng 19th Asian Games ang mga pangalan nina Calvin Abueva, Jason Perkins, Terrence Romeo at Mo Tautuaa para sa koponan.

Follow SMNI NEWS on Twitter