NAIBIGAY na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang national team kits para sa Pilipinong atleta na sasali sa 32nd SEA Games ngayong buwan.
Nasa 1,200 team kits ang ipinamahagi at nakapaloob dito ang tracksuits, tech shirts, medyas, backpacks, mga sombrero, sapatos, tuwalya at maleta.
Opisyal nang bubuksan ang 32nd SEA Games sa Phnom Penh ngayong May 5, 2023.
Isinagawa ang distribusyon sa Tagaytay City Atrium noong April 29 hanggang 30, 2023.