Poland, bibili ng 288 multiple rocket launchers mula sa South Korea

Poland, bibili ng 288 multiple rocket launchers mula sa South Korea

BIBILI ng higit 200 multiple rocket launchers ang Poland sa South Korea.

Pumirma ang Poland ng kasunduan para bumili ng multiple South Korean rocket launchers para palakasin ang depensa nito kasabay ng kaguluhan sa Ukraine.

Inihayag ni Deputy Prime Minister Mariusz Blaszczak na siya ring defense minister ng Poland na ang K239 Chunmoo Systems ng South Korea ay kaparehas lamang ng American made HIMARS launchers.

Ayon naman sa defense minister ng South Korea na si LtGen. Lee Jong-Sup, ang kasunduan na ito ay senyales ng mas malawak na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Buwan ng Hulyo at Setyembre nang pumirma ang Poland ng kasunduan ng bilyun-bilyong halaga ng tangke de gera, howitzers at fighter planes mula sa South Korea.

Samantala, nagsimula naman ang delivery ng howitzers sa Poland.

Ang mobile rocket launchers ay inaasahang maidedeliver simula sa susunod na taon at ilalagay sa Polish made jelcz trucks.

Matatandaan na ang Poland ay gaya ng ibang bansa sa Europa at Estados Unidos na nagpapadala ng military equipment sa Ukraine nang magsimula ang giyera noong Pebrero.

Follow SMNI NEWS in Twitter