Police Agno at Binalonan, positibo ang reaksyon sa SONA ni PBBM sa PNP Modernization program

Police Agno at Binalonan, positibo ang reaksyon sa SONA ni PBBM sa PNP Modernization program

UMAASA ang Municipal Police Office ng Agno at Binalonan na matugunan ang kakulangan ng kagamitan sa kanilang istasyon matapos mabanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang usapin sa modernisasyon ng Philippine National Police (PNP).

Inihayag ni PCPT. Esteban C. Fernandez, OIC-Agno Police Station na maganda ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa ikalawang SONA nito partikular na sa modernisasyon ng mga kagamitan sa PNP.

 “Maganda naman po ‘yung sinabi niya sa ating organization sa PNP wherein magbo-boost po ‘yung mga kagamitan ng PNP just like ‘yung mga purchasing ng mga vehicle po natin. Magbo-boost sa patroling and community engagement natin,” ayon kay PCPT Esteban C. Fernandez, OIC-Agno PS.

Ayon kay PCPT Bernabe Lasquite, DCOP-Binalonan Police Station, napapanahon nang i-modernize ang mga kagamitan ng kapulisan dahil aniya ay napag-iiwanan na ang PNP sa ibang bansa.

“Maganda ang ‘yung sinabi ng ating Pangulong BBM with regards sa modernization ng ating organisasyon kasi medyo napapag-iwanan tayo talaga ng ibang bansa. Sa amin, kumukulang po kami ng patrol car talaga po at saka ‘yung communication facilities,” ayon kay PCPT. Bernabe Lasquite, DCOP-Binalonan Police Station.

Samantala, ibinahagi naman ni PCPT. Fernandez ang paglakas ng turismo sa munisipyo ng Agno partikular na tuwing weekend.

Kabilang aniya sa top tourist destination ng Agno ang Abagatanen white sand beach, umbrella rock, at dept pool.

Kaya naman nakahanda ang Agno Police Station tuwing dadagsa ang mga bisita sa mga nasabing lugar.

 “So ang ginagawa po natin ngayon every weekend po kasi ‘yan. ‘Yun po kasi ‘yung talagang bugso po ng mga turista, from Friday, Saturday to Sunday. So, ang ginagawa po ng ating mga patrolers within that peak period. Sa pagpunta ng mga bisita natin is pinupuntahan po nila ‘yung mga beaches natin at mga tourist spot natin then nagbibigay po sila ng mga flyers, safety tips with regards sa mga dapat nating gawin para atleast maiwasan natin ang mga sakuna,” ani Fernandez.

Dagdag pa ni Fernandez, may isang insidente ng pagkalunod at isa naman ang nawawala sa karagatan ng Agno ngayong buwan ng Hulyo na kinabilangan ng mga turista, kaya payo niya sa mga bisita na maging maingat partikular na sa mga karagatan ng lugar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter