PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lt. Gen. Dionardo Carlos bilang bagong PNP Chief ng Philippine National Police.
Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang appointment ni Deputy for Directorial staff Lt. Gen. Dionardo Bernardo Carlos bilang bagong PNP Chief.
Papalitan nito ang papaalis na pinuno ng pambansamg Pulisya na si Police General Guillermo Eleazar epektibo ngayong darating na November 13, matapos na maabot ang mandatory retirement age na 56.
Inaasahang maninilbihan si Carlos bilang PNP chief hanggang sa May 8 o pagsapit niya sa kanyang mandatory retirement age.
Bago maitalaga bilang Chief PNP, hinirang si Carlos bilang Chief of the Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) sa Visayas, nagsilbi rin itong PNP spokesperson, at ang huli bilang Deputy for Directorial staff sa Camp Crame.
Pumasok si Carlos sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City noong 1984.
At natapos noong March 8, 1988, bilang 2nd Lieutenant ng Martingale class of 1989.
Agad na itinalaga ito bilang Regional Special Action Force 4 (RSAF4)
Naging aktibo si Carlos sa paglaban sa NPA insurgents sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Mindoro sa ilalim ng Philippine Constabulary Anti-Insurgency Campaign.
Hindi na rin mabilang ang mga pagkilala kay Carlos mula sa lokal, national at international recognitions dahil sa katapangan, kasipagan at katapatan nito sa serbisyo.