Mga kaalyadong kandidato ni Pangulong Duterte, handa nang maglingkod sa taumbayan

Mga kaalyadong kandidato ni Pangulong Duterte, handa nang maglingkod sa taumbayan

HANDA nang maglingkod sa taumbayan ang mga kaalyadong kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinamahan nina Pangulong Duterte at Senador Bong Go ang mga kaalyadong kandidato sa pagsusumite ng kanilang mga Certificate of Candidacy (COC) nitong Biyernes, Oktubre 8, sa Sofitel Hotel.

Kabilang sa mga nag-file ng COC para sa Senado ay sina Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, Information and Technology Secretary Gringo Honasan III, Agrarian Reform Secretary John Castriones, Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica, broadcaster Rey Langit, at actor-supporter Robin Padilla.

Naniniwala ang Pangulong Duterte na handang-handa nang maglingkod sa bayan ang mga kandidato ng partido kung sila ay bibigyan ng pagkakataon na maluklok sa Senado.

Tiwala rin sila na maipagpapatuloy ng mga susunod na senador ang mga proyekto ng Duterte Administration upang maipagpatuloy ang tunay na pagbabago para sa mas maunlad na bansa at makabangon na tayo mula sa COVID-19 pandemic.

SMNI NEWS