NAG-courtesy call si Polish Chargé d’ Affaires Jaroslaw Szczepankiewicz kay Department of Agrarian Reform (DAR) Senior Usec. Domingo F. Panganiban.
Layon nito na higit pang pahusayin ang kalakalan at pakikipagtulungan sa agrikultura sa pagitan ng Pilipinas at Poland.
Ang talakayan ay nakatuon sa posibleng pakikipagtulungan, kabilang ang pag-access sa merkado, sa mga hayop, goma, pili nuts, at mga produktong pangisdaan.
Tinalakay rin ng mga opisyal ang pagpapalawig ng Generalized Scheme of Preferences Plus Program (GSP+) na status ng Pilipinas, na nagpapahintulot sa bansa na tamasahin ang zero duties sa pag-export nito sa European Union ng mga produktong nasa ilalim ng mahigit 6,000 taripa linya.
Sa pagpupulong, muling iginiit ng Polish diplomat ang intensyon ng kanilang mga poultry exporters na maging accredited ng Pilipinas, lalo na para sa mechanically deboned meat (MDM) ng manok.
Hiniling din niya ang agarang deployment ng inspection team sa kanilang bansa.