TINALAKAY nina Vice President Sara Duterte at UK Ambassador Laure Beaufils ang mga polisiya at mga programa sa Department of Education (DepEd).
Nag-courtesy call si Ambassador Beaufils kay Vice President Duterte nitong Miyerkules ng hapon.
Kabilang sa kanilang mga napag-usapan ay ang pagpapatupad ng Basic Education Development Plan (BEDP) 2030, Learner Rights and Protection Office, Learning Recovery Plan sa bawat rehiyon, at ang reorganization sa DepEd kung saan binuo ang Procurement at School Infrastructure bilang mga panibagong opisina.
Bahagi rin ng inisyatibo ng DepEd ay ang pagbuo ng National Education Portal bilang paghahanda upang maging resilient ang sistema ng edukasyon sa bansa.