NAGSAMA-sama ang major maritime stakeholders at industry leaders para ipanawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang ipahinto ang isang kautusan ng Philippine Ports Authority (PPA) na magdagdag ng container monitoring system sa port operations.
Partikular sa pinapahinto ang Administrative Order No. 04-2021 ng PPA.
Ayon sa nagkakaisang sektor, dagdag-gastos ito sa kanilang operasyon na ang resulta ay pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Aniya, walang pangangailangan na magdagdag ng monitoring system ang PPA dahil umiiral at mayroon na nito.
Sa tantiya ng sektor, tataas ng P35 billion ang annual import cost kung maipatutupad ang kautusan na perang ipapatong sa presyo ng mga bilihin.
Diin din ng grupo na ‘delusional’ ang kautusan at magdudulot ng port congestion at hindi ito solusyon sa smuggling.
Lumiham na sila kay Pangulong Marcos para ipahinto ang implementasyon ng programa at umaasa sila na pagbibigyan ng Punong Ehekutibo ang kanilang panawagan.