Pompeo, sinabing nagawang mapigilan ng US ang nuclear war sa pagitan ng India at Pakistan

Pompeo, sinabing nagawang mapigilan ng US ang nuclear war sa pagitan ng India at Pakistan

INIHAYAG ni former US Secretary of State na si Mike Pompeo sa kanyang inilabas na libro na nagawang mapigilan ng US ang nuclear war sa pagitan ng Pakistan at India na muntikan nang maganap noong 2019.

Matatandan na noong February 2-19 nang magkaroon ng airstrikes sa loob ng Pakistani territory matapos na sisihin ang isang militanteng grupo doon dahil sa isang suicide bombing na nagresulta sa pagkamatay ng 41 Indian paramilitary soldiers sa Kashmir Region.

Binaril naman ng Pakistan ang Indian warplane at hinuli ang piloto nito.

Sinabi ni Pompeo na kinumbinse ng US diplomats ang parehong India at Pakistan at sinabing walang ibang bansa ang maaaring makagawa ng US upang maiwasan ang hindi magandang kalalabasan kung natuloy ang nagbabadyang nuclear war.

Ang mga testamentong ito ay nakasulat sa kanyang librong inilabas na “Never Give an Inch” na naglalaman ng kanyang memoir noong siya ay nanunungkulan bilang top diplomat ni Donald Trump at CIA chief.

Follow SMNI NEWS in Twitter