Posibilidad ng Duterte-Duterte tandem sa 2028, sinagot ni VP Sara

Posibilidad ng Duterte-Duterte tandem sa 2028, sinagot ni VP Sara

SA naganap na Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally, ipinahayag ng isang dating opisyal ng Palasyo ang kaniyang pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na wala siyang nakikitang ibang tao o politiko na karapat-dapat sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa kundi ang mag-amang Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Pero ang tanong posible kaya ang Duterte – Duterte tandem sa 2028?

Sinagot iyan mismo ni Vice President Sara Duterte habang nasa kaniyang official visit sa Cambodia bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council.

“Nagpalabas po tayo ng statement kamakailan lang na sinabi po natin na hindi po kami nag-uusap about politics ni Former President Rodrigo Duterte. Ganoon po talaga ‘yung relationship namin before 2016, bago pa man siya naging pangulo. ‘Yung pangulo na siya hanggang ngayon hindi ganiyan ‘yung relationship namin ni Former President Rodrigo Duterte. Hindi kami nag-uusap ng politika kapag kami ay nagkakasama. Lagi ‘yung mga concerns ng kaniya-kaniyang pamilya ‘yung napag-uusapan namin,” pahayag ni Vice President Sara Duterte, Republic of the Philippines.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo na wala siyang ideya sa mga naging usapan nina Panelo at Duterte.

“Hindi ko alam kung sila ay may pag-uusap kasi wala naman ako doon. Hindi ko naman narinig. So hindi ko alam kung ano ang pag-uusap ni Atty. Panelo at ni Former President Duterte,” ani VP Duterte.

Arrest order ng Senado vs. Pastor ACQ, sinagot ni VP Duterte

Samantala, naitanong naman kay VP Duterte ang arrest order na ipinalabas ng Senado laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Well hindi naman magma-matter ‘yung advise ko and ‘yung own opinion ko dito,” tugon ni VP Duterte.

Pero una nang ipinahayag ni VP Duterte na siya ay nakikiisa sa panawagan na pairalin ang batas at katarungan sa hinaharap na isyu ni Pastor Quiboloy.

Aniya ang mga ginawang pagdinig laban sa butihing Pastor ay isang pandarahas, hindi patas, at isang trial by publicity.

VP Sara, may payo sa SMNI hinggil sa franchise nito

Ito naman ang naging payo ng pangalawang pangulo sa hakbang ng House of Representatives laban sa franchise ng SMNI.

“What I would suggest sa SMNI is to consult their lawyers kung ano iyong mga pwedeng legal options with regard to their franchise,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble