Posibleng pagtakas nina Bantag at Zulueta palabas ng bansa, patuloy na binabantayan ng PNP

Posibleng pagtakas nina Bantag at Zulueta palabas ng bansa, patuloy na binabantayan ng PNP

HINDI pa rin tumitigil ang Philippine National Police (PNP) sa pagtugis kay ex-Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, at sa deputy nitong si Ricardo Zulueta.

Ito ang iginiit ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kasunod ng panayam sa kaniya ng media araw ng Lunes, Hulyo 3, 2023.

Paliwanag ng PNP, lahat ng posibleng paraan ay gagawin ng tracker teams para lang madakip ang dalawang suspek sa pagkamatay sa brodkaster na si Percy Lapid sa Las Piñas City.

Sa katunayan, mahigpit ang pagbabantay na ginagawa ngayon ng PNP partikular na sa iba’t ibang ports o pantalan sa bansa.

Kasabay nito ang pagtitiyak na hindi pa nakalalabas ng bansa sina Bantag at Zulueta dahil na rin sa patuloy na ugnayan nito sa iba’t ibang ahensiya at mga sektor ng pamahalaan.

Sa ngayon, nananatili pa ring at large ang dalawa dahil sa krimeng kinasasangkutan nito.

Nauna nang nagbigay ng pabuya o reward money na P3-M para sa dalawa ngunit hanggang ngayon ay mailap pa rin na mapasakamay ng mga awtoridad ang dating heneral at kasamahan nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter