Positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas sa 6.5%

Positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas sa 6.5%

BAHAGYANG tumaas ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na isang linggo.

Batay sa pinakahuling datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, tumaas ang positivity rate sa NCR mula sa 4.4% hanggang 6.5% noong April 1 – 8, 2023.

Habang bahagyang bumaba naman ang positivity rate sa Misamis Oriental na may 16.3 mula sa 27.4%.

Bukod sa NCR, ilang probinsiya sa bansa ang nakitaan ng pagtaas ng positivity rates kabilang na dito ang Benguet, Camarines sur, Cavite, Cebu, Davao del Sur, Negros Occidental, Palawan, Rizal, Isabela at South Cotabato.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sumasailalim sa COVID testing.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter