Pot session ng shabu sinalakay ng QCPD, 4 arestado

Pot session ng shabu sinalakay ng QCPD, 4 arestado

ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong kalalakihan at isang babae na sangkot sa paggamit ng pinagbabawal na droga o pot session sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek  na sina Anthony Hernandez, Jomer Mañabo y Manarpiis, Mylene Ramos y Oanes, Joseph Angeles y Cariaso.

Naaresto ang mga naturang durugista kaninang alas 7:30 ng umaga sa bahagi ng No. 21 Quatro De Julio, Barangay San Isidro ng nasabing lungsod.

Pinangunahan ang pag-aresto ng PS-11, SDEU Operatives sa pangunguna ni Plt. Glenn F. Gonzales.

Nakumpiska sa drug operation ang tatlong small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may 0.7 grams at may DDB street value na PhP 4,760.00 at tatlong alluminum foil strips na naglalaman ng residue ng sinasabing shabu isang unit na puting Lenovo na cellphone na gamit sa pangtransaksyon.

Batay sa isinagawang imbistigasyo ni IOC PCpl. Jay Jay A Ilacad, nakatanggap ang istasyon ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen at sinabi tungkol sa grupo ng mga taong gumagamit ng iligal na droga.

Kaagad, kumilos ang SDEU ng istasyon sa pangunguna ni Plt. Gonzales, at tumungo sa ibinigay na lokasyon upang i-verify ang nasabing impormasyon, pagdating nila ay huli sa akto at nakita nila dito ang mga suspek na nagsasagawa ng shabu pot session na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkumpiska ng mga nabanggit na ebidensya.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag ng Section 13-15, Art. II ng RA 9165 o  ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS on Twitter