Power lineman, patay matapos makuryente sa poste

Power lineman, patay matapos makuryente sa poste

TRAHEDYA ang sinapit ng isang power lineman sa Barangay Del Rosario, Tubod, Surigao del Norte nitong Miyerkules, June 11.

Habang abala sa trabaho sa itaas ng poste sa gilid ng highway, biglang nakuryente si Francisco Manliguez, empleyado ng Surigao del Norte Electric Cooperative.

Hindi na umabot ng buhay sa hospital ang lineman.

Nangako naman ang Surigao Norte Electric Cooperative na magbibigay ng kaukulang tulong sa pamilya ni Manliguez—kabilang na ang mga benepisyo at suporta sa kanyang libing.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter