NAKIPAGPULONG si North Korean President Kim Jung-un kay Russian Defense Minister Sergei Shoigu upang pag-usapan ang defense cooperation ng dalawang bansa.
Ang nasabing pagpupulong ay kasabay ng pagdiriwang ng North Korea sa ika-70 anibersaryo ng armistice na nagpahinto sa labanan noong 1950-53 Korean War.
Ayon sa state media ng North Korea, ang pagpupulong ng dalawang leader ay maaaring may kinalaman sa pagpapabuti ng depensa at seguridad ng dalawang bansa mula sa mga banta ng giyera.
Matatandaan na kamakailan lang nang inakusahan ng bansang Estados Unidos ang North Korea na tumulong sa Russia sa pakikipaglaban nito sa Ukraine na agad namang itinanggi ng North Korea.