Presidente ng Estados Unidos, nagbigay ng lithograph sa Prime Minister ng Japan

Presidente ng Estados Unidos, nagbigay ng lithograph sa Prime Minister ng Japan

MALUGOD na tinanggap ni President Joe Biden at unang ginang ng Estados Unidos na si Jill Biden ang Punong Ministro ng Japan na si Fumio Kishida at ang asawa nitong si Yuko Kishida sa isang seafood dinner sa Washington D.C. noong Martes.

Bago ang hapunan, nakipagpalitan muna ng regalo ang mga Biden sa kanilang mga panauhin kung saan nakatanggap si Joe Biden ng isang handmade table na may 17-pulgada at tatlong paa mula sa punong ministro.

Ang mesa ay ginawa mula sa American black walnut wood at may kasama itong plake upang gunitain ang pagbisita nito sa America para sa isang mahalaga umanong pagpupulong.

Samantala, binigyan naman ni Biden si kishida ng isang custom framed lithograph at two-volume LP set na nilagdaan ng isang music legend na si Billy Joel, kabilang dito ang vintage vinyl record collection ng mga mahuhusay na American music artist na nakalagay sa isang custom leather box.

Binigyan din ni Jill Biden si Yuko Kishida ng isang naka-frame na painting ng Yoshino cherry tree na tinanim nilang dalawa sa South lawn ng White House noong tagsibol.

Bukod pa rito, niregaluhan din ng unang ginang ang asawa ng Punong Ministro ng isang soccer ball na may autograph mula sa U.S women’s national soccer team at ng Japanese women’s national football team.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter