Press Secretary Trixie Angeles, humarap sa kauna-unahang pulong balitaan sa Malacañang

Press Secretary Trixie Angeles, humarap sa kauna-unahang pulong balitaan sa Malacañang

HUMARAP sa kauna-unahang pagkakataon ng pulong balitaan sa Malacañang si Press Secretary Trixie Angeles. 

Kauna-unahang pagkakataon din ito na nakaharap ng kalihim ang Malacañang Press Corps (MPC).

Bago nito, dinaluhan muna ni Angeles ang flag-raising ceremony kasama ang newly-designate officials ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Times Plaza Building sa Ermita, Maynila.

Samantala, sa Palace briefing ngayong araw, sinabi ni Angeles na wala pang naka-iskedyul na state visits si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

At habang wala pang inilabas na iskedyul, ay abala aniya sa ngayon si Pangulong Marcos sa pagsasapinal ng listahan ng mga miyembro ng kanyang Gabinete.

“We have—the President has not announced any state visits as of now. He is busy building up the Cabinet, so we will have to wait for an announcement if there is indeed such a thing,” pahayag ni Cruz-Angeles.

Masusi rin aniya ang ginagawang ebalwasyon sa mga pagpipilian na iluluklok sa posisyon sa gobyerno.

Patikular dito ang ilalagay sa kagawaran ng kalusugan kung saan kailangan ang maingat na pagpili ng mamumuno rito lalo’t ito ang pangunahing nangangasiwa sa pandemic response.

“Wala po siyang binibigay sa amin na sinasabi nilang deadline. Ang sinasabi is, masuri talaga ang pag-evaluate nila dito sa mga kandidato para sa mga posisyon. I understand that this is now going through the final evaluation stage. So I don’t think it will take too long,” ani Angeles.

Samantala, wala pang iskedyul kung kailan gagawin ang unang Cabinet meeting.

“Well, it will be in accordance—well, we have no official announcement yet as of when the first Cabinet meeting is going to be held. But the secretaries are given the opportunity, those who have already been appointed, to make the assessments. So, these will all be taken into consideration,” ayon kay Angeles.

Una rito, inihayag ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na iniabot ni US Second Gentleman Douglas Emhoff kay Marcos ang personal letter mula kay US President Joe Biden.

Samantala, pinangunahan ni President Marcos ang Presidential Security Group (PSG) Change of Command Ceremony sa PSG Grandstand sa Malacañang Park, sa Maynila kaninang hapon.

Itinalaga ni Pangulong Marcos si AFP spokesperson Col. Ramon Zagala bilang bagong PSG Commander kapalit ni BGen. Randolf Cabangbang.

Naitalaga rin si Zagala bilang acting Senior Military Assistant to the President.

Sa isang talumpati naman ni Pangulong Marcos, pinasalamatan nito si Cabangbang sa kanyang ‘successful tour of duty’ bilang outgoing PSG commander lalo na sa pagbibigay seguridad sa First Family.

Kinilala rin ni Marcos ang mga hakbang ng outgoing PSG commander partikular ang pagkumpleto ng ilang pangunahing pasilidad kabilang ang PSG Station Hospital at ang Women Auxiliary Corps Barracks.

Sa papasok naman na bagong PSG commander na si Col. Ramon Zagala, tiwala si Marcos na maipagpapatuloy ng presidential security ang mahusay na probisyon ng seguridad sa Office of the President at sa First Family pati na rin sa mga bumibisitang pinuno ng estado at mga diplomat.

“What you are guarding is not only the personages of the First Family but you are guarding and keeping safe an institution, the institution of the presidency. Because should you fail in your mission, that institution will collapse and the effects on our country will be dire, and that is why we only pick that best men and women that we have within our military to join the Presidential Security Group, ayon pa kay Marcos.

Mababatid na kabilang sa dumalo sa PSG event sina Senators Robin Padilla at JV Ejercito maging si Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez.

Bago ng PSG Change of Command Ceremony, dinaluhan muna ni Marcos ang flag-raising ceremony sa Malakanyang at ang Executive Committee Meeting sa Department of Agriculture (DA) kaninang umaga.

 

Follow SMNI News on Twitter