Presyo ng asukal, bumaba ng P800

Presyo ng asukal, bumaba ng P800

BUMABA ng 800 pesos kada 50 kilobag ang presyo ng asukal mula sa presyo nitong P2,800 hanggang P3,800 kada 50 kilobag.

Kaugnay nito, ayon kay Negros Occidental 5th District Rep. Emilio Yulo III, ang mas mababang millgate rates ay magpababa na sana ng mga presyo ng tinging produkto ngunit iyan ay nakasalalay pa rin sa mga nagtitinda at hindi sa mga producer.

Sinabi rin ni Yulo na hindi na kailangang mag-angkat pa ng asukal para sa taong ito dahil mas tumaas na ang bilang ng produksyon ngayon.

Samantala, nananawagan naman si Yulo sa kagawaran ng agrikultura na magpatupad na ng isang programa para pababain ang presyo ng pataba at iba pang farm inputs.

 

Follow SMNI News on Twitter