BAHAGYANG tumaas ang presyo ng bigas sa buong Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng price monitoring ng Department of Agriculture (DA), tumaas ang kada kilo ng bigas mula P2 – P5.
Para sa imported commercial rice, ang special ay mabibili na mula P50 – 58, ang premium ay P43 – P52 habang ang well-milled ay aabot ng P40 – P46 at ang regular milled ay nasa P37 – P44.
Sa local commercial rice naman, ang special ay nagkakahalaga mula P48 – P60, ang premium ay P42 -P49, at ang well-milled ay nasa P38 – P46, at P34 hanggang P40 sa regular milled.
Samantala, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So na nakararanas din ng pagtaas ng presyo ng bigas ang bansang Thailand, Pakistan, Vietnam, at India.
Ang mataas na presyo ng pataba at langis ang siyang pangunahing dahilan nito.