TATAAS ang presyo ng karne ngayong paparating na Christmas season.
Ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA), bunsod ito ng delivery delays at tumataas na puhunan.
Ibinahagi nito na ang delivery delays ay dahil sa lockdowns na ipinatutupad partikular na sa China at Taiwan kung saan dumadaan ang ini-import ng Pilipinas.
Apektado rin ang livestock at poultry sector dahil sa pananalasa ng Bagyong Karding at katumbas ito ng 12.8 million pesos na pinsala.
Hanggang noong September 29, 2022, aabot na ng 350 pesos per kilo ang pork liempo; at 300 pesos ang pork kasim.