Presyo ng mga agricultural products sa NCR, posibleng tumaas ngayong Kapaskuhan

Presyo ng mga agricultural products sa NCR, posibleng tumaas ngayong Kapaskuhan

TINIYAK ni Department of Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez na walang nakikitang shortage sa suplay ng baboy at manok at mga agricultural products sa bansa.

Pero, ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan maapektuhan kaya ang presyo nito?

Ayon kay Estoperez posibleng mas gumalaw pa ang presyo ng mga karneng baboy at manok sa mga pamilihan.

“Might move slightly up pero alam naman natin na it’s normal during this season na kahit papaano ay may pagtaas ng presyo. Pero, huwag lang masyadong mataas even lahat, we are expecting continuesly monitoring the market the presyo and the supply,” ayon kay Rex Estoperez, Deputy Spokesperson.

Apektado rin ang presyo ng ilang gulay gaya ng patatas, sibuyas na pula na mas tumaas na ngayon ang presyo.

Paliwanag ni Estoperez, iba’t ibang dahilan ang kanilang nakikitang rason kung bakit naapektuhan ang presyo.

Kabilang na ang transportasyon, fertilizer, feeds ng baboy at manok.

“‘Yun lang naman ang simple explanation ko, I haven’t ask kasi sa ground siguro makikita natin but for other vegetables wala naman masyado,” ani pa Estoperez.

Base sa monitoring ng Department of Agriculture, naglalaro na sa P275 hanggang P390 ang kilo ng bagong katay na baboy sa iba’t ibang pamilihan sa Metro Manila.

Habang nasa P210 hanggang P300 naman ang presyo ng frozen pork sa mga merkado sa NCR.

Sa presyo naman ng whole chicken, naglalaro na ito sa P190 hanggang P205 sa mga pamilihan sa Metto Manila.

Sa usapin naman ng gulay, mas tumaas pa ang presyo ng pulang sibuyas na naglalaro sa P260 hanggang P320.

Follow SMNI NEWS in Twitter