Pribadong salo-salo, inihanda ni Pastor Apollo para sa kaarawan nito sa Davao City

Pribadong salo-salo, inihanda ni Pastor Apollo para sa kaarawan nito sa Davao City

ISANG pribado ngunit espesyal at engrandeng salo-salo ang inihanda ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa kanyang kaarawan sa KJC Headquarters sa Davao City.

Dadaluhan ng mga kaibigang piling personalidad ang kaarawan ng butihing Pastor na masasabi nating pasasalamat para sa pagpapala ng Dakilang Ama sa mga nagdaang taon.

Isa ang buwan ng Abril sa pinakahihintay at pinaghahandaan sa The Kingdom of Jesus Christ, dahil sa buwan na ito ang kaarawan ng Hinirang na Anak, walang iba kundi si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ilang araw bago ang kaarawan ni Pastor Apollo, ay pinasimulan na ang paghahanda sa lugar na pagdadausan ng selebrasyon.

Mula sa isang simpleng cathedral ay nag-iba ang itsura at vibe ng lugar.

Indoor garden party ang tema ng salo-salo ni Pastor Apollo kaya naman ay metikulosong inihanda ang mga halaman at bulaklak para rito.

Para naman sa seguridad ng lahat ay sinigurong dumaan sa RT-PCR testing at COVID antigen test, ang lahat ng nagsipagdalo o kabilang sa selebrasyon.

At kanina nga ay nakitang nagsipagdatingan na ang mga panauhin ni Pastor Apollo kabilang na dito ang ilan sa mga prominenteng tao sa bansa.

Nagpaabot naman ang mga panauhin ng pagbati at pasasalamat kay Pastor Apollo.

Inaasahan naman ang pagdalo ng matalik na kaibigan ng butihing Pastor—na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Matatandaan na ang buwan na ito ay inialay na ng butihing Pastor sa mga mahihirap na bata bilang kanilang adopted birthday o ang International Children’s Day na ipinagdiriwang sa buong mundo.

Pero sa kabila nito patuloy naman ang selebrasyon ng kanyang kaarawan na dadaluhan ng mga piling personalidad at kaibigan na hindi lamang isang simpleng okasyon kundi bilang pasasalamat at pagkakataon na maisantabi ang pagkakabaha-bahagi at magkaisa ang lahat sa pamamagitan ng kanyang kaarawan.

Follow SMNI News on Twitter