Printing ng mga balota para sa plebesito sa Baliwag, Bulacan, nagsimula na

Printing ng mga balota para sa plebesito sa Baliwag, Bulacan, nagsimula na

Nagsimula nang maglimbag ng mga balota ang National Printing Office (NPO) na gagamitin para sa paparating na plebesito sa Baliwag, Bulacan.

Sa media tour na ginawa sa NPO, makikita na abala ang mga staff sa printing ng mga balota at iba pang accountable forms na gagamitin ngayong December 17.

Isasagawa ang plebesito para malaman ang pasya ng mga residente kung payag ba silang gawing siyudad ang munisipalidad ng Baliwag.

Mahigit sa 108,000 na mga balota ang kailangang malimbag ng Comelec at subjected ang mga ito sa quality at quantity check.

Bukod sa Bulacan, naunang nagsagawa ang COMELEC ng plebesito sa Maguindanao, Calaca Batangas, at Ormoc City sa Leyte.

Follow SMNI News on Twitter