KINAKAILANGAN ang partnership sa mga pribadong sektor para sa matagumpay na tourism program ayon kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang kaniyang ibinahagi sa kaniyang talumpati para sa mga miyembro ng League of the Municipalities of the Philippines.
Paliwanag ni Vice President Duterte na importante ang makipagpartner ang mga lokal na pamahalaan sa mga private sector dahil nasa kanila ang pera.
Tulad na lamang aniya ng pagkakaroon ng ancillary services kasama ang paglabas ng mga turista hanggang sa pagbalik nila sa airport ay kinakailangan ng tulong ng mga pribadong sektor.
Dagdag pa nito na upang maging matagumpay ang tourism program ng LGU, kinakailangan itong pag-aralan o gumawa ng feasibility study.
Mahalaga rin aniya ang pagkakaroon ng long-term plan para hindi masayang ang investments sa tourism program.