WINAKASAN na ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga espekulasyon kung siya ba ay panig sa China o sa Estados Unidos.
Ito’y kasunod ng kaliwa’t kanang tanong na natatanggap ng butihing Pastor matapos bumisita sa China kasama si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Sa kaniyang programang Sounds of Worship nitong Linggo, ipinaliwanag ng butihing Pastor ang naging dahilan ng kaniyang pagbisita sa China.
Ani Pastor Apollo, hindi dapat gawing sukatan ang kaniyang naging pagbiyahe sa nasabing bansa sa kaniyang katapatan roon.
Hindi aniya nangangahulugan ang kaniyang pagbisita ng kaniyang katayuan sa politika, lalo na’t mainit ngayon ang usapin sa isyu ng South China Sea.
“Just because you visited a country does not mean that you engage in the politics of that country. I don’t care about the politics of anyone as long as you know where we stand when the issue is about our country, it is always to obey the Word of God,” ayon kay Pastor Apollo.
Pastor Apollo C. Quiboloy, ibinahagi ang dahilan ng pagbisita sa China
Binigyang-diin ni Pastor Apollo na ang kaniyang pribadong pagbiyahe patungo sa China ay upang ayusin ang mga kinakailangan para sa konstruksiyon ng pinakamalaking indoor cathedral sa buong mundo— ang Kingdome.
Samantala, binigyang linaw naman ni Pastor Apollo ang tunay na kahulugan sa kaniya ng katapatan sa bansa.
Ayon pa kay Pastor Apollo, may kaniya-kaniyang opinyon ang mga Pilipino ukol sa mga sitwasyon sa bansa pero kinakailangang maging tapat sa Pangulo dahil kinakailangan nating igalang ang sinumang iniluklok natin sa posisyon bilang isang demokratikong bansa.
“We have our own opinions and reservations but when it comes to loyalty—-we will obey them,” ayon sa butihing Pastor.
Matatandaan na si Pastor Apollo ay isa rin sa nagsusulong ng ‘friends to all, enemies to none’ bilang isang independent foreign policy na una na ngang sinusunod noon ni dating Pangulong Duterte upang maging balanse ang katayuan ng bansa pagdating sa diplomasya at pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa.