Problema ng libu-libong tsuper sa PUV modernization, sosolusyonan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson

Problema ng libu-libong tsuper sa PUV modernization, sosolusyonan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson

PINAWI ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ang pangamba ng libu-libong transport operator sa pagkakaroon ng modernong jeepney.

Sinabi ni Singson na nakipag-usap na siya sa lahat ng mga presidente ng transport group at maging kay Transportation Sec. Jaime Bautista na siya na ang magpro-provide ng electric vehicles para sa PUV Modernization Program (PUVMP).

Pagtitiyak ni Singson, hindi na kailangan ng downpayment at guarantee para magkaroon ng pinapangarap ng electric vehicles ayon sa nais na disenyo.

Paglilinaw rin ng dating gobernador ng Ilocos Sur, wala siyang intensiyon na magnegosyo, ang sa kaniya lamang ay tumulong sa mga kababayan natin na nababahala sa ipatutupad na Jeepney Modernization Act.

Dagdag pa ni Singson, bukod sa transport groups may kumausap na sa kaniyang mga kooperatiba.

Pero payo niya, mas mabuti pang magdirekta na lang sa nakausap niyang transport groups para wala nang patong na porsiyento.

Sa katunayan nasimulan na nila ang magpapagawa ng electric jeepney pero prototype pa lamang at kung magustuhan ang ginawang modernong sasakyan ay mag ma-mass production na sila.

Bukod aniya sa jeepney, maari din silang magpagawa ng electric tricycle.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble