Programa ng TESDA, hindi na angkop sa mga lumalagong sektor—Gatchalian

Programa ng TESDA, hindi na angkop sa mga lumalagong sektor—Gatchalian

HINDI na angkop ang mga programa sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa nakikitang pinaka-in-demand na trabaho sa 2025.

Ayon sa Jobs and Labor Market Forecast ng Department of Labor and Employment-Bureau of Local Employment (DOLE-BLE), ang lumalagong sektor ngayon na lilikha ng pinakamaraming trabaho sa 2025 ay construction, logistics, agriculture, at health.

Ani Sen. Win Gatchalian, wala sa pinaka-popular na kurso ang inaalok ng TESDA.

Nakababahala rin aniya na nagbibigay ng scholarship program ang pamahalaan na hindi nakakapagtrabaho sa mga lumalagong industriya sa bansa.

Batay naman sa datos ng June 2021 Labor Force Survey, kalahati sa senior high school graduates na kumuha ng Technical-Vocational Livelihood Track ang nagtatrabaho sa mga elementary occupations.

Kaya naman, binigyang-diin ng senador na hindi ganito ang ipinangako ng programang senior high school na makapag-produce ng mga graduates na handang magtrabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter