‘Project Aling Pulis Everywhere’, inilunsad ng PNP kaalinsabay ng pagdiriwang ng Women’s Month

‘Project Aling Pulis Everywhere’, inilunsad ng PNP kaalinsabay ng pagdiriwang ng Women’s Month

KASABAY ng pagdiriwang ng Women’s Month, ay inilunsad ng PNP ang Project Aling Pulis Everywhere.

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang aktibidad sa lingguhang flag raising ceremony sa Kampo Krame ngayong umaga, Marso 4, 2024.

Magsisilbi ang mga ito na dagdag-puwersa sa komunidad lalo na sa pagkilala sa kapakanan, karapatan ng mga babae, at pagkakapantay-pantay o gender equality.

Ang mga babaeng pulis ang naatasang duminig at umaksiyon sa mga sumbong partikular na sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at bata sa pamamagitan ng Women and Children’s Protection Desk sa mga istasyon ng pulisya sa bansa.

Kaugnay rito, binigyang-parangal ng PNP ang 10 natatanging babaeng pulis na nagpakita ng katangi-tanging dedikasyon habang kanilang ginagampanan ang tungkulin bilang mga alagad ng batas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble