UMAASA ang OFW Partylist na sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay marami itong nais na mangyari para sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).
Inihayag ni Congresswoman Marissa Del Mar sa SMNI News na kahit sa pangangampanya pa lang ni Pangulong Marcos ay nais na nito magkaroon ng sariling village ang mga OFW.
Dito ay muling bubuhayin ni Pangulong Marcos ang plano ng kanyang ama na Bliss Housing para sa mga OFW.
Umaasa rin ang bagong mambabatas na magkaroon ng regional hospital sa buong Pilipinas ang mga OFW.
Pagkakaroon din ng malakas na agrikultura para sa food security.
Samantala, ang OFW Partylist Representative ay naghain ng 10 panukala sa harap ng Bills and Index Service ng House of Representatives, ilang linggo bago magsimula ang mga regular na sesyon ng 19th Congress.
Kabilang na dito ang House Bill 361 o ang “Fair Placement Fees for OFWs Act.”
Ang nasabing panukala ay naglalayon na ipagbawal ang pagkolekta ng mga placement fee na lampas sa mga pamantayang itinatag gayundin ang pagkolekta ng mga placement fee bago ang availability ng inaalok na trabaho.
BASAHIN: DMW at OFW Partylist magtutulungan para mabuwag ang PhilHealth sa OFWs