Hindi obligadong pagsusuot ng face mask, malapit na – expert

Hindi obligadong pagsusuot ng face mask, malapit na – expert

NANINIWALA ang isang medical expert na maaari nang magtanggal o hindi na obligadong magsuot ng face mask ang publiko.

Gayunman ay mangyayari lang aniya ito kapag dumating na sa bansa at maiturok sa mga Pilipino ang mga bagong bakuna kontra COVID-19 na nagtataglay ng panlaban sa Omicron at mga subvariant nito.

Sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, isang infectious disease expert at miyembro ng Technical Advisory Council ng Department of Health na sa Setyembre o Oktubre ang inaasahang pagdating sa bansa ng naturang mga bakuna.

Nilinaw naman ni Salvaña na sa ngayon ay sapat na ang unang booster shot para sa mga edad 59 pababa, pero mas mabuti aniyang hintayin ang paparating na bakunang may panlaban sa Omicron variant.

Follow SMNI NEWS in Twitter