NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga nagbabalak manggulo sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.
Giit ng Punong-Ehekutibo, hindi niya papayagan ang anumang uri ng terorismo.
“Do not terrorize the people. The elections must be free and it must be credible. Huwag mo akong subukan kay ako resonable ako na tao. Basta garantiya ko, walang terrorism, walang violence, walang takutan,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Muli ring nagbigay-garantiya ang Chief Executive na magkakaroon ng isang mapayapa, malinis at tapat na halalan.
“My order to Secretary Año at sa police military that is the Alunan Doctrine (Secretary Alunan pa siya) more than two na may mga armas mahaba man o maiksi, private army ka na tapos sabi ko hulihin ninyo. Nagwa-warning ako because I have to make the elections credible and peaceful,” ani Duterte.
Iginiit ni Pangulong Duterte na wala siyang i-endorsong presidential candidate.
“Mas mabuti yan, walang mga kandidato pagkapresidente na magduda na ginamit ko ‘yung pera kay ano -‘yung sinusuportahan ko. Presidente ako, neutral ako,” dagdag ng Pangulo.
Sa huli, ipinarating muli ng Pangulo sa taumbayan ang kandidatura ng kanyang anak na si Mayor Sara sa pagka-bise presidente.
Matatandaang noong Abril 12, ikinampanya rin ni Pangulong Duterte ang mga kandidato ng PDP-Laban sa pagka-senador doon sa Agusan del Norte.
BASAHIN: PRRD, muling dumalo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Caloocan City