NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang Public-Private Partnership System upang suportahang mapalago ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).
Tiwala si Pangulong Marcos na malaki ang magagawa ng private financiers at investors upang makatulong sa mga maliliit na mga negosyante.
Saad pa ng Punong Ehekutibo, dapat may bubuuing sistema ang Department of Trade and Industry (DTI) na mag-uugnay sa kanila sa mga pribadong financier at mamumuhunan.
Ang sistemang dapat na mabuo ay koneksiyong magbibigay sa mga maliliit na negosyo ng impormasyong kailangan nito upang mapalawak ang kalakal ng mga ito sa tulong na rin ng nasa pribadong sektor.
Bukod dito, inihayag din ni Pangulong Marcos na dapat palakasin ng DTI ang mga pagsisikap na ipakilala ang mga bagong negosyo sa publiko.