Publiko, pinayuhan na ‘wag iboto ang mga kandidatong naninira ng kapaligiran –DENR

Publiko, pinayuhan na ‘wag iboto ang mga kandidatong naninira ng kapaligiran –DENR

PINAYUHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang  publiko na huwag iboto ang mga kandidatong naninira ng kapaligiran.

Ayon sa ahensiya, dapat ikonsidera ng mga kandidato ang kapaligiran ngayong patuloy ang pangangampanya.

Ipinaalala ng bagong talagang DENR Chief ang panawagan ng ahensya sa mga kandidato para sa May 2022 elections na itigil na ang pagpapako ng campaign materials sa mga puno.

Binigyang diin pa ng opisyal,  botohin na lamang ang mga kandidatong environmental  lover.

Aniya,  ipagpapatuloy nito ang programang nagbabawal sa pagputol o pagpatay sa mga punong kahoy.

Sinabi naman ni Usec.  Jonas Leones  ng Policy,  Planning and International  Affairs, isa raw kasi sa problema ng ahensya kada eleksyon ay ang iba’t ibang tarpaulin sa mga kalsada.

Sa kabila nito,  malaking kabaguhan ang ginawang aksyon ng mga kandidato sa pagtatanggal ng kanilang mga campaign materials sa mga puno.

Dagdag ni Leones, ang mga nalikom na tarpaulins ay ginagawang bags at usable posters. Bukod dito, ginagawa ring  semento at paso.

Matatandaang ilang toneladang campaign materials ang nakolekta noon ng MMDA  mula sa mga poster, banner, streamer na nakasabit sa mga footbridge at pati na rin sa linya ng kuyente at kahit sa mga puno.

Kayat, mahigpit na ipinag-utos ng DENR sa mga kandidato na ugaliing sumunod sa mga alituntunin sa panahon ng pangangampanya.

Ipinaalam naman ng DENR na matinding kaparusahan ang maaring haharapin ng sinumang mahuhuling lalabag.

Follow SMNI News on Twitter