Ekonomiya, lalago sa higit P12-B kada linggo sa pagbabalik ng face-to-face classes – NEDA

Ekonomiya, lalago sa higit P12-B kada linggo sa pagbabalik ng face-to-face classes – NEDA

INIREKOMENDA ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagbubukas ng mas marami pang eskuwelahan para sa face-to-face classes.

Ito ay para mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa.

Ayon sa ahensiya, mapapalago ang ekonomiya sa higit P12-B kada linggo kung bubuksan na ang face-to-face classes sa lahat ng eskuwelahan.

Dagdag ng ahensiya, dahil sa patuloy na pagtaas ng vaccination rate sa mga kabataan, maaari nang buksan ang lahat ng eskwelahan para sa face-to-face classes.

Paliwanag ni NEDA Secretary Karl Kendrick Chua na makatutulong ito sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa, at maging sa pag-aaral at productivity ng mga bata.

Ayon sa kalihim, mapapabuti rin ang learning outcome ng mga estudyante ng 50 porsiyento.

Dagdag ni Chua na makababalik na rin sa kani-kanilang mga trabaho ang ilang mga magulang.

Samantala, batay sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 1,726 na eskuwelahan ang kasalukuyang nagsasagawa ng face-to-face classes.

Pero ayon kay Education Secretary Leonor Briones, higit anim na libong pampublikong paaralan ang handa nang magsagawa ng in-person learning.

Follow SMNI News on Twitter