HINILING ng deputy prime minister ng Thailand ang kaparusahan sa pulis na nagbigay ng kontrobersyal na VIP escort sa isang Chinese tourist.
Inihayag ni Deputy Prime Minister Anutin Charnvirakul na ang pulis na nagbigay ng unofficial escort service ay lumabag sa batas at regulasyon ng pulisya.
Dagdag ni Anutin, walang batas na nagpapahintulot sa pulisya na magkaroon ng ganitong sideline.
Nagbabala naman ang deputy prime minister na ang gumawa nito ay papanagutin at siguradong tatanggap ng karampatang parusa.
Ayon pa kay Anutin, hindi niya nais na mabahiran ang imahe ng turismo sa bansa.