1 nasawi, 4 katao sugatan sa pagsabog ng oil tanker ship sa Thailand

1 nasawi, 4 katao sugatan sa pagsabog ng oil tanker ship sa Thailand

APEKTADO ang mga kabahayan sa Samut Songkhram Province nang sumabog ang isang oil tanker ship na nagdulot sa pagkasawi ng isang indibidwal.

Ayon sa mga ulat, ilang mga kabahayan din ang nasira sa pagsabog matapos na biglang umapoy ang Smooth Sea 22, isang oil tanker na nakaistasyon malapit sa kapital ng Bangkok.

Upang masugpo ang apoy, maging ang maliliit na bangkang pangisda ay tumulong na rin sa pagsasaboy ng tubig sa barko habang patuloy na umuusok ang tanker nito.

Ayon kay Provincial Governor na si Somnuk Promkaew, 7 katao ang nawawala at sinabing ang pagsabog ay nagyari nang nagkakaroon ng pagwe-welding sa barko.

Ang insidente na ito ay nangyari nang sumasailalim sa regular maintenance work ang oil tanker sa Ruam Mitr Dockyard.

Ayon sa Marine Department ng bansa, ang sunog ay nakontrol na matapos ang isang oras at maglulunsad din ito ng imbestigasyon sa insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter