INAASAHAN ng Pattaya ang mas maraming Chinese tourists sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Inihayag ni Sanphet Supbowornsathian, president ng Thai Hotels Association’s Eastern Chapter na ang pagluluwag sa COVID-19 restrictions sa China ay magandang balita para sa Pattaya City dahil karamihan ng bisita sa lugar ay mga Chinese.
Maraming tour companies umano ang bumalik na sa kanilang mga negosyo matapos na magluwag ang China sa mga polisiya nito.
Kaugnay nito inaasahang darating sa Chinese New Year sa huling yugto ng buwan ng Enero ang free independent travellers o mga bisita na nagbibiyahe mag-isa at hindi sumasama sa tour groups.
Ang mga nagbibiyahe naman sa tour groups ay inaasahang darating sa Thailand sa buwan ng Marso.
Samantala, maraming Indian tourists ang nagkakansela o iniuurong ang kanilang pagbiyahe sa bansa dahil ginawang requirement na sumailalim sa testing sa COVID-19 bago umuwi sa kanilang bansa.