PUV modernization program ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

PUV modernization program ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

KASUNOD ng pagbatikos ng mga transport groups sa deadline sa pag consolidate ng PUV drivers at operators ay pinaiimbestigahan ngayon sa Senado ang PUV modernization program.

Isang resolusyon ang isinumite sa Senado nitong Lunes na layong imbestigahan ang pagpapatupad ng public utility vehicle (PUV) modernization program.

Sa Senate Resolution Number 893 ni Sen. Imee Marcos, iginiit nito ang pagkakaroon ng mabusising assessment sa nasabing programa sabay diin na di makakayanan na maharap sa isang transport crisis ang isang bansa na hindi pa nakalagpas sa epekto ng pandemya.

Binanggit din ng senadora sa nasabing resolusyon ang pagbatikos at pagkaalarma ng mga transport group tulad ng Manibela at PISTON.

Una nang inirereklamo ng mga nasabing grupo ang ‘di makatarungang demand sa trabaho ng ilang kooperatiba kung saan kailangang pumarada mula alas singko ng umaga hanggang alas diyes ng gabi upang maabot ang P9-K na quota kada araw.

Pinalagan din ng jeepney drivers at operators ang Dec. 31, 2023 deadline na sumali sa mga kooperatiba para maaprubahan ang kanilang prangkisa.

Ipinunto ni Pangulong Marcos na malaking pasanin din ang membership fee sa mga coop o stock sa mga korporasyon.

Aniya nakababahala ang mababang bilang ng PUV operators at drivers na bigong mag consolidate.

Napag-alamang nasa 153,787 lamang mula sa kabuuang 222,617 PUV units ang nakapag comply sa modernization program.

Dahil dito hinikayat ng senadora ang gobyerno at ang mga PUV stakeholder na magkaroon ng dayalogo para makabuo ng isang win-win solution.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble